Thursday, October 21, 2010

qoutes


RADIO DRAMA ( FIRST LOVE)

Characters:

Yasmin Del  Prado- bidang babae
Jeric Bagonenso-bidang lalaki
Cathy Borremeo- kaagaw ni yasmin kay jeric
Mr. Juan Del Prado- ama ni yasmin
Mr.Bauzon- propesor
Jessica Goce- malapit na kaibigan ni yasmin
Benjamin Francisco- masugid na manliligaw ni yasmin


Narrator: magandang gabi mga tagapakinig. Ngayong gabi ay matutunghayan natin ang isang kwento tungkol sa pagmamahal , saya, at lungkot. Anu nga ba ang saya at pighati ng “UNANG PAG-IBIG”

(intro music. Fades after 10secs)

Yasmin : nang makita ka ay di malaman ang sasabihin, di mlaman ang gagawin, ngunit ng tayo ay magdikit puso ko ay parang nasa himpapawid. Di ko naisip na sa una nating pagkikita na ikaw pala ang syang magdadala ng pighati at sakit sa aking puso, na syang wawasak ng katahimikan ng aking mundo. Kay tagal na rin ng una tayong magkita…tandang tanda ko pa.

(music fades after 10 secs)
{sound effects no. 1: palakpakan}

Mrs. Bauzon : magandang araw mga mag aaral. Nandito tayo upang saksihan ang isang pag tatanghal ng ating mga mananayaw na nanalo sa patimpalak sa New York,U.S.A. Malugod at buong pagpupugay kong pinakikilala ang Balian Dancers.

(palakpakan)
{music playing at the background}
{door opening}

Jesica: {ines} : Girl anu ba yan? Wala naman palang mgandang papanoorin dito. Puro sayaw ng mga kitikiting yan, mula ata nung isang taon sila na ang pinapanuod natin pero paulit ulit lang naman ang sina sayaw nila.. asar!!!

Yasmin: ayy friend! Wag ka na mareklamo at tsaka dapat di ka na sumama kung ayaw mu palang manuod.

Jessica:nakoo! Ikaw pa ba matanggihan ko?eh di kung di kita sinamahan para ka na namang emo na nasa isang tabi. Bakit nga pala gusting gusto mo sila panuorin?

Yasmin: di ko sila gusto panuorin no!h. Inanyayahan lang ako ni Benjamin na manuod. Kung sa akin lang, ayaw ko din ito panuorin.

Jessica: May ganun? So, siya na ba talaga?

Yasmin: anung sya na ba? Magkaibigan lang kami at di na lalampas pa doon.

Jessica: o sige!! Sabi mo eh.{tawanan ang dalawa} teka lang ha? Bili lang ako ng maiinom natin, nakakauhaw din kasi..

Yasmin: ok, gusto ko ng pineapple juice ha?

Jessica: oh sige

{door open then close}

Yasmin: ahhhh!!!! Anak ng putakte!

Jeric: Miss sorry, di ko sinasadya.

Yasmin:hindi mo sinasadya na tapunan ako ng inumin mo? Anu ka bulag?
{tahimik} infairness ang gwapo.

Jeric: pasensya talag, miss.

Yasmin: {malanding tinig} nakoo wala un di mo naman pala sinsadya eh. Ako nga pala si Yasmin, Yasmin Del Prado, 3rd year Nursing

Jeric: ako pala si Jeric Bagonense, 3rd year college din BS in Computer Engineering. Sorry ulit, Yasmin. Pasensya ka na kasi lampa lang talaga ako.

Yasmin:  kinagagalak kitang makilala. Wala yun basta sa susunod mag iingat ka na lang.

Jeric: yasmin pwede ba makuha ang cellphone number mo?

Yasmin: dahil sa magkakilala na tayo ibibigay ko sayo basta wag mo ipamimigay kasi pagkakaguluhan ako. Masyado kasi akong maganda {tawa}

Jeric :{tumawa} sige ba. Gusto kita kasi may sense of humor ka at di ka maarte. Sige see you around Yasmin.


{door opening, music stills playing at the background}

Jessica:  Hoy babae anu nangyari sayo at natulala ka diyan?

Yasmin: nakita ko na ang lalaki na aking pinapangarap {Singhap}

Jessica: Ha?

{tunog ang cellphone. May nagtext}

Yamin: {sumigaw sa kilig} {masayang pagsasalita} nagtext na siya.

{music intro then fades after 10 secs}

Narrator: Ang bawat mensahe na natatanggap ni Yasmin ay parang droga na nagbibigay saya sa kanyang puso. Nahuhulog siya sa bawat araw at di maalis sa isip nya ang lalaking kanyang nakilala. Bago lang sa kanya ang ganitong pakiramdam ngunit masaya siy. Umiibig siya kay Jeric ngunit nagaalinlangan siya kung mamahalin din siya ng lalaking ito.

{music then fades after 10 secs}

{sound effect: mga naglalakad sa pasilyo}

Benjamin: {sumisigaw} Yasmin! Yasmin!

{effects: yabag ng paa}

Yasmin: oh? Bakit?

Benjamin:   {Pautal utal na kinkabahan} ah…kasi… may sasabihin ako….

Yasmin: anu yun?

Benjamin: pwede ba akong manligaw sayo?

Yasmin: ha? {tawa} nagpapatawa ka na naman Benjo. {tawa}

Benjamin: ano ba?! Hindi ako nagbibiro. Gusto kita, matagal na. nahihiya lang akong sabihin sayo kasi alam kong kaibigan lang turing mo sa akin.

Yasmin: Benjo, hindi pwede yang nais mo. Magkaibigan tayo at ayokong masira iyon. Ayokong paasahin ka kaya ngayon pa lang pinipigilan ko na yang nararamdaman mo.

Benjamin: Pero mahal kita Yasmin. Ngayon lang ko nag lakas ng loob para sabihin sayo ito. Mahal kita. Ang mga ngiti mo ang nagpapasay sa akin. Ikaw ang dahilan ng pag bangon ko sa araw-araw. Hindi ako mapanatag pag wala ka sa tabi ko. Mahal kita yasmiin, mahal na mahal.

Yasmin: Benjamin, hindi nga maari! May mga bagay na hindi kailangan mag bago. Kailangang manatili siyang ganon upang magtagal at hindi masira. Mag kaibigan tayo.

Benjamin: pero hindi pa rin ako susuko..

Yasmin: ikaw ang bahala. Ayokong pag mukhain kang tanga kaya ngayon pa lang sinasabi ko na sayo na walang patutunguhan ang ginagawa mo.

{ music: melodrama then Fades after 10 secs}
Narrator: Sa lugar kainan ay muling nag tagpo ang landas ni Yasmin at Jeric. Walang pag lagyan ang saya sa puso ni Yasmin. Para itong sasabog dahil sa bilis ng tibok nito.

Jeric: Hi Yasmin. Nice to see you again.

Yasmin: {pautal na salita} hello Jeric. Kamusta ka naman?

Jeric: heto maayos naman.

Jessica: {malakas na tinig} Hello nandito po kaya ako. Patay na ba ako at di niyo ako pinapansin?
Yasmin, baka gusto mo ako ipakilala diyan sa gwapong nilalang sa harapan natin?

Yasmin: ah… Pasensya na. Jeric si Jessica bestfriend ko at  Jessica  si  Jeric, siya yung nakilala ko sa Theather room noong nakaraang araw.

Jeric: ikinagagalak kong makilala ang isang magandang binibini.

Jessica: Nako! Hindi ka nagsisinungaling. Gusto kita ha magaling kang mangbola {tawa}

Jeric: Hindi ako nang bobola, totoo ang sinsabi ko.{tawa}
May nais rin pala akong ipakilala. Si Cathy nga pala, girlfriend ko.

Cathy: {mataray na boses} ahh…ikaw pala iyong ikinukwento ni Jeric sa akin. Iyong babae na natapunan niya ng juice dahil hahara hara sa daan. At iyong malandi na nagtetext sa kanya.

Jeric: cathy, ako ang may kasalanan tsaka ako ang humingi ng number niya. Huwag ka nga mag eskandalo ditto. Mahiya ka naman.

Jessica: hoy babae!!! Huwag mong pag sasalitaan ng ganyan ang kaibigan ko kung ayaw mong mag kagulo tayo dito.

Yasmin: Jess wag na. tara na. Jeric uuna na kami. Nasira na ang araw namin.

Cathy: aba! Itong babaeng to. Hoy! Malading babae layuan mo si Jeric kung ayaw mo ng gulo.

Jeric: Cathy, manahimik ka na! masyado kang eskandalosa.
Yasmin, pasensya ka na ha? Sorry na rin Jessica.

Jessica: pag sabihan mo yang syota mo papatulan ko yan.

Yasmin: jess, sabing tama na eh. Jeric, ok lang kami. Sige una na kami.

Cathy: Jeric, ano ba? Kinakampihan mo pa yang babaeng yan.

Jeric: sabing tama na eh.

Yasmin: ikinagagalak kitang makilala Cathy. {malakas na sampal} at iyan ang regalo ko. Jess, tara na alis na tayo.
Cathy: hayop kang babae ka { galit na boses} arggggg!!!!
{malakas  na sampal}
{music intro then fades after 15 secs}

Narrator: ang sampal na iyon ni cathy ay balewala lang para kay Yasmin. Dahil sa sakit na nararamdaman nya sa kanyang puso. Ang malaman na may kasintahan na si Jeric ay ang siyang dumurog at nagbigay  pagkamanhid sa kanyang buong katawan. Nais niyang umiyak dahil sa sakit pero wala siyang karapatan dahil si Jeric ay maaring sa panaginip na lang niya.

{music then fades after few secs}

Yasmin: { pangatal ngatal  na boses} jess….tara na…

Jessica: Hindi yas!!! {galit na galit} walahiya kang babae ka.. anung karapatan mo ha?

Yasmin: jess!!!!! Tara na sabi eh!!

Jessica: {malumanay}  oh sige… may araw ka din cathy!!

Cathy: Hindi pa ako tapos… mga duwag!!!

Jeric: cathy tama na pwede ba?

Cathy: Mag tigil ka Jeric!! Mas kinakampihan mo pa iyong babaeng  yun
           Wala ka man lang ginawa kung hindi ang tumunganga…

{yabag mg paa palayo}

{music then fades after few secs}

Jessica: bakit di ka lumaban? Tanging simpleng sampal lang ang binigay mo dun sa bruhang iyon?

Yasmin: ayoko nang lumaki ang gulo. Magmumukha akong kawawa at mang aagaw. Wala akong karapatan na ipaglaban ang hindi para ssa akin.

Jessica: hindi naman si jeric ang ibig kong sabihin kung di ang iyong sarili. Matapos ng mga sinabi sayo yun lang yun?

Yasmin: Naduwag ako, naunahan ako ng sakit ng malaman kong may kasintahan na si jeric.
Namanhid ang buo kong katawan. {Umiiyak} bakit ganun? Kung sino pa ang minahal mo siya pa ang nag bibigay ng sajit sayo? Bakit kelangan ko siyang mahalin kung sa puso niya may iba ng nilalaman.


Jessica: nagmahal ka lang yasmin. May mga tao na minahal natin na ang tanging ginagampanan sa ating buhay ayang dumaan lang, maari tayong pasayahin panandalian o di kaya ay saktan. Sila rin yung taong mamahalin natin pero hindi nakatakdang mahalin tayo. Masalimuot ang pag ibig pero kaakibat nito ang dagdag kalakasan at katatagan na makukuha natin sa huli.

Yasmin: oo nga pero ang sakit, ang sakit sakit. Para syang panaginip na mahirap abutin. Nagparamdam siya sa akin ng pagpapahalaga na akala ko ay may pag tingin siya sa akin. Pero ako naman itong si tanga, lahat ng ipinakita niya ay pag mamahal lang ng isang kaibigan.

Jessica: yas, ok lang yan. Madaming iba diyan, at malay mo siya rin pala ang para sayo.

{sabay tawa ang dalawa}

Yasmin: tara na nga. Ayoko ko ng mag drama at baka pumanget pa ako.

Narrator: itago man ang sakit. Para itong karamdaman na kumakalat sa buong katawan niya. Tanging mga ngiti ang nagiging mascara nya upang maikubli ang sakit.

{pinto isinara}

Yasmin: pa, iam here.

Mr.Del prado:  oh anak, kamusta ang eskwela?

Yasmin: ayos naman po. Eh kayo papa, kamusta kayo ditto sa bahay? Hindi ba kayo nalulungkot?

Mr.Del prado:  Sanay na akong mag isa ditto sa bahay. Simula ng mawala ang mama mo at nag aral ka ng kolehiyo sa maynila ay natuto na ako at nandiyan na man si inday.

Yasmin: si Papa naman nag dadrama. I miss you papa.


Mr.Del prado:  I miss you too,anak. Oh tara nang kumain. Paniguradong gutom ka na.

Yasmin: oo nga pa at nakakapagod din ang biyahe mula maynila hanggang ditto sa Bicol noh.

Mr.Del prado:  Inday mag hain ka na at kami ay kakain na.

Inday: nakahain na po.

Mr.Del prado:  tara na anak..

Yasmin: Hmmm… ang sarap nito ah. Lahat ng to paborito ko.

Mr.Del prado:  oo naman. Pinaluto ko lahat ng gusto mo para masulit ang pag uwi mo dito. Tara na at kumain. At anak gaano ka katagal nga pala ditto.

Yasmin: 3 days lang papa. Lumiban lang ako ng klase pra makauwi dito.
{ effects; kutsara} and pa, ano sa palagay mo kung lumipat na lang ako ng eskwelahan dito?

Mr.Del prado:  bakit naman anak? Maayos naman sa maynila at mas maganda pa ang turo.

Yasmin: gusto ko kasing may kasama kayo sa bahay para hindi kayo malungkot.

Mr.Del prado:  Sigurado ka lang ba na iyon ang dahilan mo? Kasi may sinabi sa akin si jess, iha. Meron ka daw problema sa lalaki.

Yasmin: naku!!! Yung babaeng yun napaka daldal, lagot sa akin yun pag uwi ko ng maynila.


Mr.Del prado:  Ayos lang na sabihin mo sa akin lahat. Anupat naging ama mo ako?

Yasmin: Pa, pwede change topic? Ayoko ng pag usapan iyan.

Mr.Del prado:  mawawala din iyan anak when the right one comes. Just wait iha.

Narrator: Kahit anu man sabihin ng ibang tao ay hindi pa rin maalis sa isip niya si Jeric. Umuwi sya para makalimutan at makalayo ng kahit saglit lang sa Maynila na syang nagpapaalala kay Jeric pero walang nangyari dahil laman ng puso niya ito.

{music fades after  few secs}
{footsteps and chattering}

Jessica: uyyy babae kamusta ang pag uwi mo sa bicol?

Yasmin: ok lang naman at may kasalanan ka nga pala sa akin. Bakit mo sinabi kay Papa yung tungkol kay Jeric, napaka daldal mo talaga. Naku jess!!!

Jessica:ahmmm! Pasensya naman. Nag aalala lang ako sayo baka kasi dibdibin mo ang lahat kaya sinabi ko na sa Papa mo para mabigyan ka na rin ng payo. (tawa)

Yasmin: hindi ko para dibdibin  yung mga bagay na iyon. Malinaw na sa akin na may kasintahan na si Jeric at isa na lang siyang panaginip. Madaming iba diyan noh.

Jessica: oh sige mabuhay ka sa ilusyon mo. Ang panaginip mo na papalapit na sa atin.{tawa}

{footsteps approaching}

Jeric: Yasmin, gusto ko lang sana humingi ng pasensya sa inasal ni Cathy. Ako na ang humihingi ng tawad para matigil na ang gulo.

Jessica: yas, una na ako at baka mahuli ako sa klase ko. At baka makaistorbo ako sa inyo. Bye din jeric.

Yasmin: sige, ingat.

{ yabag ng paa palayo}

Jeric: yas, pasensya na talaga.

Yasmin: ayos na yun Jeric. May karapatan naman si Cathy kasi nobya mo siya. Naiintindihan ko na dala lamang iyon ng selos dahil mahal ka niya.

Jeric: Salamat sa pag intindi. Nahihiya lamang ako dahil sa mga sinabi niya sayo.

Yasmin: wala na sa akin iyon dahil alam ko sa sarili ko na hindi totoo iyon.

Jeric: ayoko lang kasi na nagkakaganon si Cathy dahil sa selos. Siya lang yung babae na minahal ko ng sobra at wala ng papalit pa. Siya lang ang babaeng nais ko lang pakasalan.

{music then fades after 10 secs}

Narrator: Parang malakas na bomba ang sumabog sa tainga ni Yasmin ng marinig ang mga katagang iyon. Bawat salita ay dumudurog sa kanyang puso. Pero kailangan niyang magpanggap kahit masakit sapagkat ayaw niyang makasira ng isang pagmamahalan.

{music}

Yasmin: {pautal utal na salita} ah..ga..nun ba? Ang swerte ba pala ni Cathy kung gayon dahil may isang tulad mo na nagmamahal sa kanya.

Jeric: Salamat sa pag intindi Yasmin. Salamat talaga.

Yasmin: naku..wala iyon. Sige, una na ri ako at may klase pa ako, paalam.

Jeric: Paalam din.

{palayong yabag ng mga paa}

Narrator:  ang paalam na iyon ay hindi lang simpleng pag alis. Ito’y nangangahulugan kay Yasmin ng paglimot para sa nararamdaman niya kay jeric. Hudyat ng paglimot at pag bubukas ng puso para sa iba.

Tanging pag iyak sa tabi na lang ang magagawa ni Yasmin bilang pangpagaan ng kanyang damdamin. Nais niya ng isang taong maiiyakan sa mga oras na iyon, isang taong maiintindihan ang kanyang nararamdaman.

Yasmin: {iyak ng iyak}

{footsteps approaching}

Benjamin: nakita at narinig ko ang lahat Yasmin. Di mo man masabi kay Jeric na mahal mo siya at nasasaktan ka pero ramdam ko iyon. Mas doble ang sakit na nararamdaman ko.

Yasmin: {umiiyak}  umalis ka na Benjo. Gusto ko makapag isa.

Benjamin: di ako aalis. Ditto lang ako sa tabi mo. Ayokong tumunganga habang lumuluha ka ng dahil sa iba, gayong nandito lang ako pra mahalin ka.

Yasmin: huwag muna ngayon  Benjo. {iyak} alam ko na tang ako pero kaibigan lang kita at tanging dun lang ang mabibigay ko.
Benjamin: Alam ko at naiintindihan ko. Pero para sayo nandito lang ako at mag hihintay. {umiiyak na} kaya nga ang sakit sakit eh, gusto ko iparamdam sayo na mahal kita pero ikaw ang lumalayo. Ang sakit rin na makitang ikaw pinapangarap kong makasama ay binabasura at binabalewala ng iba habang nandito naman ako pra mahalin ka. {iyak}


Narrator: Tanging yakap ang ginawad ni Yasmin kay Benjamin. Habang ang mga luha nya ay patuloy na tumutulo. Naramdaman nya sa unang pag kakataon ang mag mahal, ang mga bagay na kaakibat nito tulad ng saya at lalo na ang sakit. Pero alam niyang may isang tao na nariyan para mahalin siya ng buo at tunay…


{music then fades after 20 secs}

Narrator: at ditto nag tatapos ang ating kwento ngayong gabi. Sana ay napasaya, napaibig at napaiyak naming kayo sa aming inilahad na istorya. Ito muli ang “ Unang Pag-ibig”

LOVE,,,PAGMAMAHAL


                

Ano ba ang love? Sbi nila “ love is the most powerful thing in the world “. Ito ang bumubuo sa ating mundo at sa ating buhay. We will never survive this cruel world without love. It gives us life and its meaning… oh tama na!! masyado na makata eh…jajajaja( jejemon? ). Pero para sa mga tulad kong tanga (with matching kabobohan pa) love hurts cuz pinaghalohalo itong saya, lungkot, sugal, katangahan, kabobohan at marami pang iba. You cannot explain love in a single word, you have to travel the world to make the meaning of it, you have to meet the person na mamahalin moh at mamahalin ka. Pero bakit ganun? You give so much love pero wala kang love na natatanggap in return. Magmamahal ka ng sobra pero sakit sa puso ang matatanggap mo. Unfair di ba?, pero bakit maraming nagpapakatanga at umaasa sa isang bagay na imposibleng mangyari pede namang maghanap at magmahal ng panibago. Siguro o tlagang di kayang turuan ang puso sadya syang napo-fall even to the wrong person, nahuhulog sya kahit hindi sa taong hindi tayo kayang mahalin. Sa mga tanga sa gilid jan (tinamaan ka?) we have to accept that not all things that what we want to happen ay mangyayari, wag tayong assuming at maging mulat tayo sa katotohan na mahal-mo-sya-pero-di-ka-nya-mahal-kasi-may-mahal-syang-iba factor ay always present, pra tayong namamangka sa gitna ng kalsada na bukod sa di na umuusad nagmumukha pa tayong tanga. Face the truth na we give love but we receive pain in return. Love grows, we cannot stop it from growing..laking swerte mo kapag minahal ka nya kasi daig mu pa ang tumama sa lottio sa saya. Sabi nga diba ang pagmamahal din ay sugal maaring manalo at maaring matalo. Taking chances lang sya. We have to bet our love to take home our jackpot but if we lose we take pain as our consolation price (chubby ng utak ko talaga…haha). We cannot not win at all times pero kung tanga ka at wala kang dala ay susugal ka na naman ulit. Susugal ka kasi akala mo sya na ang the one for you, pinaiiral ang puso at hindi muna nag iisip. Ganun nga talaga siguro ang love nuh? Kahit ang pinaka matalinong tao ay nagiging bobo kapag nag mahal ( at minsan nagiging emo..haha). Love can make us have false hope na akala natin mamahalin tayo but in the end pagmumukhain lang tayong tanga. We will be patient sa pag iintay for that love at sa pag iintay na yun we ignore na marami na ang dumaan para mahalin tayo pero we slip it from our hands kasi we wait for nothing. And that nothing give us 1% happiness but give us 99% of sorrow and pain. Nakukuntento na tayo sa 1% di natin alam na ang laki na ng lugi natin na mas masasaktan tayo sa huli. Para na tayong nag aabang ng taxi sa istasyon ng mrt. Isang malaking katangahan!. Siguro ganun talaga ang love, it gives happiness but it has the package deal with pain, buy one take one ika nga, don’t expect for anything in  return lalo na kung your taking chances ang mapapayo ko lang is move on even its hard. Don’t be stuck in a tar pit na kaya mu namang makaalis pero nagpapalamon ka sa nararamdaman mo. Learn to let go cuz if its yours it will be yours. Kung ngayon ay di sya sayo malay mo sya rin pala ang nakalaan sayo. Your both in the separate way but in the end you will meet at the finish line. You’ll meet obstacle around your way but you will meet the person that is destined to spend all his/her love with you forever. Be patient and don’t stop loving.
FROM THE CHUBBY BRAIN OF KEVIN FRANQUIA

IKAW...BAKIT IKAW PA?


Humiling ako na sana dumating na yung taong magmamahal sa akin, ung taong di ako sasaktan at mamahalin ko ng lubusan pero bakit ikaw pa ang dumating na sya namang sasaktan ako ng lubusan. Dumating ka ng walang babala, minahal kita ng lubusan, nagsakripisyo ngunit wala namang nakuhang kapalit.  Ninakaw moh ang puso ko ngunit di mo naman pinangalagaan. Ninakaw mo sya ng di mo nalalaman.  Sa bawat ngiti mo, bawat  tingin, bawat salita at bawat galaw mo unti-unti akong nahulog sayo. Nahulog ako ngunit di ko masabi sayo sapagkat alam ko na di mo ko kayang mahalin. Umaasa ako sa isang panaginip na alam kong hindi magkakatotoo. Alam ko sa tingin ng iba ako ay isang tangang tao ngunit kasalanan ba ang magmahal. Kamalian ko lamang ay nagmahal ako ng isang taong walang pagtingin sa akin. Sa bawat araw na nagdaraan puso ko’y patuloy na nahuhulog sayo. Minamahal kita bawat araw na nagdaraan, iniisip sa bawat oras at nangangarap na mapasa akin ( ang kata abah…bongga!!!).

Tama diba ang naunang mga sentence nuh? Tinamaan ka ng bonggang bongga!!Hahaha.. Totoo namn di ba? Walng nakakaalam sa atin kung bakit natin minamahal ang isang tao cuz love has no reason its like a mushroom that will pop out in our heart. Hindi natin kayang diktahan ang puso para bang may sarili syang isip na pumipili ng taong mamahalin. Pero ang puso natin ay malaking bobo, nagmamahal sya ng madalas sa mga taong magdadala lang ng sakit sa atin. Minsan akala natin perfect na ang lahat but it turn out worst. We’re waiting for our fairytale’s happy ever after pero it will be our never ever after na kabobohan. Marami tuloy ang nagtatanung “bakit sya pa ang minhal ko?”. Oo nga naman bkit sya pa kung puro lungkot at sakit lang dadanasin natin ( talagang natin nuh? Okay yun kc naexperience ko na..haha). Lagi tayong narereject at naiiwang luhaan minsan sana matutong madala ang puso natin kasi nauulit ang mga bagay na ayaw na nating maulit pa. Pero that’s life, kung hindi tayo masasaktan ay paano tayo matututo sa mga kamalian natin. Pag broken hearted ka di ibig sabihin katapusan na ng mundo, its anew beginning nuh!! Kasi pag nasasaktan tayo it means na God has a plan for us, trial lang lahat ng to..so keep loving!!!!