Thursday, October 21, 2010

IKAW...BAKIT IKAW PA?


Humiling ako na sana dumating na yung taong magmamahal sa akin, ung taong di ako sasaktan at mamahalin ko ng lubusan pero bakit ikaw pa ang dumating na sya namang sasaktan ako ng lubusan. Dumating ka ng walang babala, minahal kita ng lubusan, nagsakripisyo ngunit wala namang nakuhang kapalit.  Ninakaw moh ang puso ko ngunit di mo naman pinangalagaan. Ninakaw mo sya ng di mo nalalaman.  Sa bawat ngiti mo, bawat  tingin, bawat salita at bawat galaw mo unti-unti akong nahulog sayo. Nahulog ako ngunit di ko masabi sayo sapagkat alam ko na di mo ko kayang mahalin. Umaasa ako sa isang panaginip na alam kong hindi magkakatotoo. Alam ko sa tingin ng iba ako ay isang tangang tao ngunit kasalanan ba ang magmahal. Kamalian ko lamang ay nagmahal ako ng isang taong walang pagtingin sa akin. Sa bawat araw na nagdaraan puso ko’y patuloy na nahuhulog sayo. Minamahal kita bawat araw na nagdaraan, iniisip sa bawat oras at nangangarap na mapasa akin ( ang kata abah…bongga!!!).

Tama diba ang naunang mga sentence nuh? Tinamaan ka ng bonggang bongga!!Hahaha.. Totoo namn di ba? Walng nakakaalam sa atin kung bakit natin minamahal ang isang tao cuz love has no reason its like a mushroom that will pop out in our heart. Hindi natin kayang diktahan ang puso para bang may sarili syang isip na pumipili ng taong mamahalin. Pero ang puso natin ay malaking bobo, nagmamahal sya ng madalas sa mga taong magdadala lang ng sakit sa atin. Minsan akala natin perfect na ang lahat but it turn out worst. We’re waiting for our fairytale’s happy ever after pero it will be our never ever after na kabobohan. Marami tuloy ang nagtatanung “bakit sya pa ang minhal ko?”. Oo nga naman bkit sya pa kung puro lungkot at sakit lang dadanasin natin ( talagang natin nuh? Okay yun kc naexperience ko na..haha). Lagi tayong narereject at naiiwang luhaan minsan sana matutong madala ang puso natin kasi nauulit ang mga bagay na ayaw na nating maulit pa. Pero that’s life, kung hindi tayo masasaktan ay paano tayo matututo sa mga kamalian natin. Pag broken hearted ka di ibig sabihin katapusan na ng mundo, its anew beginning nuh!! Kasi pag nasasaktan tayo it means na God has a plan for us, trial lang lahat ng to..so keep loving!!!!

No comments:

Post a Comment